^

Punto Mo

Ang isinumpang mobile phone number

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

NAGPASYA ang management ng Mobitel company sa Bulgaria na itigil na ang pag-iisyu ng mobile phone number na 0888-888-888 sa mga kostumer. Hindi sila mapamahiin ngunit nakumbinsi sila na kamalasan lang ang idinulot ng numerong nabanggit sa apat na taong naisyuhan ng numero.

Unang inisyu ang mobile number noong 2000 kay Vladimir Grashnov. Namatay siya sa cancer sa edad na 48 noong 2001.

Ang jinxed number ay naipasa sa Bulgarian mafia boss na si Konstantin Dimitrov. Binaril siya at namatay noong 2003 habang kumakain sa restaurant kasama ang isang magandang model. Namatay siya sa edad na 31.

Sa ikatlong pagkakataon, ang phone number ay naibigay sa real estate businessman na si Konstantin Dishliev. Binaril siya habang nasa labas ng Indian restaurant sa Sofia, Bulgaria noong 2005. Nangyari ang pagbaril ilang buwan matapos na ibigay sa kanya ang phone number. Bukod sa pagbebenta ng house and lot, si Dishliev ay isa ring drug lord.

Bago magkaroon ng ika-apat na biktima, sinuspinde na ng management ang numero na may international line na +359 888 888 888. Sinabi nila na hindi na ito gagamitin kahit kailan. Kapag tinawagan ang numero, recorded message na lang ang maririnig: “outside network coverage”.

vuukle comment

MOBILE NUMBER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with