^

Punto Mo

Wheelchair (34)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NANG makauwi na sina Jong at Tito Mon saka lamang sila nakahinga nang maluwag. Muntik na silang makita ni Bart at mga kasama nito. Mabuti at nakapagtago sila. Kung nakita sila ni Bart, tiyak na may mangyayari at hindi alam ni Jong kung ano ang susunod na eksena. Palagay ni Jong hindi sila lulubayan ni Bart at mga kasama nito.

Kinausap ni Tito Mon si Jong nang masinsinan.

“Simula bukas ako na lang ang mamamalimos Jong. Para hindi ka na ginugulo ng Bart na ‘yun. Kung ako lang ang makikita niya sa kalye, tiyak na titigil na ‘yun. Ikaw lang naman ang puntirya niya. Kaya ko namang mag-isa. Hindi naman talaga ako PWD.’’

“Pero Tito delikado na wala kang kasama. Baka masagi ka ng sasakyan,’’

“Kaya ko. Huwag kang mag-alala. Kasi kung kasama kita, lagi tayong magtatago kay Bart.’’

“Parang ayaw kitang pabayaan Tito.’’

“Ako na lang. Maniwala ka sa akin, titigil ang gagong ‘yun kapag hindi ka na kasama.’’

Nag-isip nang malalim si Jong.

Parang ayaw niyang hayaan si Tito Mon. Delikado para rito. At saka may edad na rin ito. May high blood pa. Baka kung mapaano ito.

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with