^

Punto Mo

Mag-ingat sa ‘text, tawag, financial’ scam

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

MADALAS pa rin ba kayong nakakatanggap ng mga mensahe o kaya ay  tawag na nagsasabing nanalo kayo ng malaking halaga sa kabila na wala naman kayong sinalihan na anumang mga raffle o kung anuman?

Gaya ng dati, may paalala ang mga awtoridad.

Ignore na lang at huwag nang bigyan ng pagkakataon pa mahikayat kayo at mahulog sa kanilang mga patibong.

Babala ito ng mga kinauukulan, dahil wala pa rin kasing humpay ang mga text, tawag o financial scams o anumang kauri nito.

Ito ‘yung modus ng mga kawatan na kapag kayo ay nahulog sa kanilang bitag, ayan na nga at kukunan na kayo ng mga personal na impormasyon. Kinalaunan imbes na ang hinahangad ninyong kapakinabangan,  kayo pala ang tuluyang mawawalan.

Pero eto at may bagong batas na makakatulong sa mga naging biktimang financial scam.

Ito ang Financial Consumer Protection Act.

Karamihan nga dito ang mga kababayan natin na nananakawan ng pera at kanilang personal na impormasyon dahil na rin sa kakulangan din naman ng seguridad ng ilang bangko.

Dito pwede na umano silang maghain ng reklamo sa BSP.

Kasi nga kung dati, kapag sinabi na umano ng bangko na wala silang naging pagkukulang kadalasang wala nang nagagawa ang mga nagiging biktima ng financial scam.

Pero sa huli nasa isang indibiduwal pa rin ang pangunahing makakalaban sa ganitong mga uri ng scam.

Laging mag-ingat, maging mapanuri sa mga tawag o text lalo  na nga at hindi naman nila kilala.

Huwag ding magbigay ng mga impormatengimpormasyon. Kung may kadudududang link na ipinapadala, aba’y mas makabubuti na wag na itong buksan para hindi mo mabigyan ng pagkakataon ang mga kawatan na magtagumpay sa kanilang hangarin mahulog ka sa kanilang bitag.

SCAM

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with