_pang-masa
^

Punto Mo

Facts tungkol sa aswang (Part 8)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

DUMADAAN sa tatlong yugto bago ganap na maging aswang­:

Unang yugto: Habang unti-unting lumalaki ang “halimaw” sa tiyan ng magiging aswang, siya ay makakaranas ng matinding pagsakit ng tiyan. Hindi siya mapakali sa araw ngunit alerto siya at gising sa gabi. Ito ang yugto kung kailan maaari pang gamutin at pigilan siyang maging aswang. Sila ‘yung nabiktima at ginawang aswang nang hindi nila nalalaman.

Ikalawang yugto: Pagkaraang sumakit ang tiyan ng isa hanggang dalawang buwan, nagkakaroon na siya ng hindi maipaliwanag na “cravings” sa hilaw na manok. Ang baboy at manok ang una niyang nagiging biktima.

Ikatlong yugto: Kung may mentor siyang matandang aswang, ito ang magtuturo sa kanya na lumipad. Ang mga lumilipad na aswang ang nagiging manananggal. Palibhasa ay bagito pa sa paglipad at sa pagtakas sa aswang hunters, sila ang madalas nahuhuli at napapatay. Mahirap nang gamutin ang pagiging aswang kapag nasa ikatlo na siyang yugto.

Proteksiyon laban sa aswang:

Ang bahay ng buntis na malapit nang manganak ay kailangang lagyan ng proteksiyon. Sa probinsiya, karamihan sa bahay ay gawa sa kawayan kaya’t may siwang ang mga dingding o sahig ng bahay. Singitan ng matutulis na stick ang mga siwang sa sahig at dingding upang hindi sila makadaan dito para lapitan ang buntis. Ang bubong ay dapat na walang butas o mabilis mahawi na kagaya ng nipa. Dito nila isinisingit ang kanilang mahabang sungot para ipansipsip sa fetus na nasa tiyan ng buntis.

Ang langis na ipinapahid nila sa katawan ay nagdudulot sa kanila ng power na maging invi­sible at maging madulas para makadaan kahit sa pinakamakipot na siwang. Kaya hangga’t maaari ay tumira muna sa bahay na walang butas o siwang ang mga buntis at maysakit. Iwasan ng maysakit na huwag dumaing o umungol upang hindi sila marinig o matunton ng mga aswang. Ipinapayong maglagay ng nakabaliktad na walis-tingting sa pintuan at sa tabi ng higaan ng buntis o maysakit upang hindi makalapit ang aswang. Puwede rin ang door knob ng kuwarto ay singitan ng malaking karayom para hindi ito makapasok.

(Itutuloy)

GHOST
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with