Mag-asawa sa Sweden, pinagbawalan na pangalanang ‘Vladimir Putin’ ang anak
PINAGBAWALAN ng gobyerno ng Sweden ang isang mag-asawa roon na pangalanan ang kanilang anak na “Vladimir Putin”.
Hindi raw naaayon sa batas ng Sweden ang pangalan, ayon sa Swedish Tax Agency, dahil ang mga first names ay hindi dapat nakaka-offend o magdulot ng pagkabalisa sa gagamit ng pangalan.
Hindi rin daw dapat ginagamit na first name ang mga apelyido o anumang pangalan na tunog apelyido, ayon sa desisyon na inilabas kamakailan.
Tumanggi rin ang ahensiya na ikonsidera ang “Vladimir” at “Putin” ng magkahiwalay at sa halip ay tiningnan nila ang mga ito na isang buong pangalan bilang basehan ng kanilang desisyon na ipagbawal ito.
Dahil dito, pinadalhan ng ahensiya ng bagong registration form ang mag-asawa upang sila ay makapili ng bagong pangalan para sa kanilang anak bukod sa “Vladimir Putin”.
- Latest