^

Punto Mo

Kailangan ba natin ang social media?

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

ANG kasagutan sa tanong na ito ay depende sa panga-ngailangan ng sino man o sa dami ng mga gumagamit nito o paano ang nagiging reason dito ng mga mamamayan. May mga tao na mahilig at meron din namang walang hilig sa social media. Kung maraming tao na may sariling account sa mga social media entity tulad ng Facebook, Instagram, Twitter, LinkedIn, WhatsApp, YouTube at iba pa, marami ring mga tao na walang pakialam dito o balewala sa kanila kung meron o wala silang presensiya.

Noong panahon na nagsisimula pa lang mamayagpag ang social media tulad ng Facebook, halos nagsisilbi pa lang itong libangan o pampalipas-oras o katuwaan lang nang maraming tao. Pero, sa katagalan, umabot na sa milyun-milyong tao sa mundo ang gumagamit ng iba’t ibang social media platform. Hindi lang ito nagagamit sa mga personal na aktibidad ng mga tao kundi pati na rin sa mga larangan ng negosyo, edukasyon, kalakalan, pananaliksik, medisina, pulitika at iba pa.

Maraming maiinit na kontrobersiyal na isyung naglalabasan hinggil sa social media entity na Facebook. Tulad ng sinasabing paglapastangan sa privacy ng ilang milyong gumagamit nito bagaman kumikilos na rin ang Facebook para mapangalagaan ang privacy ng kanilang mga kliyente.  Nagagamit din ito sa mga pang-aabuso, paninira sa karangalan o reputasyon ng ibang tao o institusyon, at iba pa.

Kaya maitatanong kung kailangan ba natin ang Facebook? Depende siguro. Milyun-milyong tao sa mundo ang nahumaling dito dahil sa maraming features nito lalo na nang mauso ang smartphone na kahit anong oras ay maaaring makapagbukas ng Facebook ang sino man.

Nagagamit din ito sa trabaho at negosyo at linya ng komunikasyon bukod sa pagiging isang uri ng libangan. Puwede ring imbakan ng mga files o litrato na nais mong maipreserba. Nagkakausap dito ang maraming tao sa mundo kahit libu-libong milya ang layo nila sa isa’t isa. Nagagamit din siya sa pananaliksik at pagkakawanggawa at maging sa pagbubunyag at paglutas sa mga krimen.

Pero dati na namang nabubuhay tayo sa araw-araw noong panahong hindi pa naiimbento ang Facebook. Bago nga ito dumating ay meron na ring iba pang social media entity tulad ng Friendster. Magpapatuloy pa rin ang buhay kahit wala ito. Nagkataon lang na nauso ito, sumikat at nagkaroon ng tinatawag na bandwagon na kahit sinong may computer at smartphone ay matutuksong magbukas ng account dito. Marami ang nahuhumaling na kahit disoras ng gabi ay nagchi-check sa kanilang account. May mga kaibigan at kaanak na nagkalayo na muling nagkakaugnayan dahil dito. Nagkita-kitang muli ang mga dating magkaeskuwela halimbawa  at may mga nabubuo ritong mga relasyon o pag-iibigan.

Dadating din ang panahon na malalaos ang Facebook lalo na kung may susulpot na iba pang nakakahigit pa rito na social media entity. Dapat lang magpakahinahon, maging maingat at alalay lang sa paggamit nito. Sabi nga, ang anumang sobra ay nakakasama na sa kalusugan.

Email: [email protected]

vuukle comment

SOCIAL MEDIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with