_pang-masa
^

Kakaibang Eba (75)

Ronnie M. Halos (Pang-masa) - May 18, 2021 - 12:00am

KINABUKASAN, nakuha agad ng mama ni Piolo ang telephone number ni Joy na kamag-anak nila. Si Joy ay nasa Riyadh at nurse din pala ito, hindi medtech gaya nang una nilang pagkakaalam.

“Eto ang number ni Joy sa Riyadh, Piolo. Nurse pala siya sa isang government hospital dun at hindi medtech. ‘Yung kapatid pala ni Joy ang medtech. Tawagan mo na si Joy.’’

“Sige ‘Ma tatawagan ko mamaya. Mabuti at nakuha mo agad ang number ni Joy.’’

“Oo. Mababait naman ang kamag-anak natin. Bakit daw ngayon lang ako tumawag.’’

“Tinanong ba kung bakit kailangan natin ang phone ni Joy?’’

“Hindi. Akala ko nga itatanong ng mommy ni Joy.’’

‘‘Mabuti naman at hindi na nagtanong. Baka pagnalaman ang dahilan ay pagtawanan tayo.’’

“E ano ba ang sasabihin mo kay Joy kapag nakontak mo.’’

“Makikiusap ako na paki-check niya kung may Maria Celia sa Riyadh Military Hospital. Sasabihin kong ka­ibigan si Maria Celia.’’

“Sana malapita lang sa kanila ang ospital na pinagta­trabahuhan ng babaing hina­hanap mo.’’

“Sana nga ‘Ma.’’

“Alam mo, gusto ko nang matapos ang isyu kay Maria Celia. Kasi nahihihirapan din ako na nakikita kitang problemado.’’

“Salamat ‘Ma.’’

“’Yung si Mariz ba hindi mo na tatawagan?’’

“Hindi na siguro ‘Ma. Tinabangan na ako.’’

Hindi na nagsalita ang kanyang mama.

Kinagabihan, tinawagan ni Piolo si Joy.

Sinabi niya rito ang pa­ngalan ng babaing hahanapin.

“Sige Kuya. Malapit lang dito sa amin ang Ri­yadh Military Hospital.’’

“Salamat, Joy.’’

(Itutuloy)

KAKAIBANG EBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with