_pang-masa
^

Transgender

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje (Pang-masa) - May 14, 2021 - 12:00am

LINGGO. Sa isang mamahaling restaurant na puno ng kostumer. Medyo naaasar na si Joana dahil ang tagal lumabas ng nasa loob ng comfort room (CR). Ihing-ihi na siya.

Magkahiwalay ang CR sa babae at lalaki. Pero isang tao lang ang puwedeng pumasok sa bawat CR.

Anong  gulat ni Joana nang ang lumabas mula sa pangbabaing CR ay isang lalaki. Panglalaki ang suot nito.

“Excuse me, pangbabae ang ginamit mo.”

“I’m transitioning,” maikli nitong sagot.

Paglabas ni Joana sa CR, natanaw niya ang lalaking gumamit ng female CR sa di-ning area na maraming kasama. Nabanggit niya ito sa kapatid na si Delma habang sila ay kumakain.

“Parang hindi naman siya transgender. Lalaking-lalaki kung manamit. Sinabi lang niya na I’m transitioning dahil gusto lang niyang magpalusot sa paggamit ng female CR. Hindi na siguro makapaghintay sa panglalaking CR. Ireklamo ko kaya sa manager ng restaurant. Walang disiplina.”

Hinagod ni Delma ang likod ni Joana.

“Sis, what if totoo nga ang sinasabi niya? Wala namang batas na kapag transgender ka ay kailangan mong nakadamit pambabae. His or her gender identification is none of our business. Choose your battle. Hindi lahat nang bagay ay dapat patulan.”

Umirap na lang si Joana at ipinagpatuloy ang pagkain.

Be careful, how you judge people. You don’t sum up a man’s life in one moment.

– Al Pacino

TRANSGENDER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with