^

Punto Mo

Ang bayani ng bayani

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

LANCASTER, New York, 1999. Binabantayan ng 10-taong gulang na si Kevin ang kanyang nakababatang kapatid na lalaki habang nagpapraktis ang baseball team nito. Habang nakatayo si Kevin at pinapanood ang pagwa-warm-up ng mga players, nabitawan ng isang player ang bat nitong hawak habang iwinawasiwas sa ere. Biglang tumama ang bat sa dibdib ni Kevin. Natumba ito at nawalan ng malay.

“Tulungan ninyo ang kapatid ko!” sigaw ng bunsong kapatid ni Kevin.

Nagkataong isang nurse ang naroon, si Penny Brown na binabantayan ang anak na player din ng baseball team. Nilapitan niya si Kevin. Wala na ang tibok ng puso nito kaya agad nitong isinagawa ang CPR (Cardiopulmonary resuscitation ).

Ilang sandali lang at bumalik ang tibok ng puso ni Kevin. Nagsigawan sa tuwa ang lahat ng naroon. Ayon kay Penny, hindi dapat siya ang kasama sa praktis ng anak dahil may duty siya sa ospital. Pero nagkaroon ng pagbabago ang schedule niya sa ospital kaya siya ang sumama sa praktis ng anak.

Taon 2006. Hillview Restaurant, Depew New York, nagsigawan ang mga kasama ng isang babaing kostumer dahil nabulunan ito habang kumakain.

“Ano ang nangyari?” tanong ng manager.

“Nabulunan siya. Kailangang i-heimlich siya.”

Patakbong umalis ang manager para tawagin ang isa nilang staff na marunong magsagawa ng heimlich. Member ito ng Eagle Scout.

Isang teenager ang nagsagawa ng heimlich sa babaing nabulunan. Nang maayos na ang pakiramdam ng babae. Kinausap niya ang kanyang bayani.

“Maraming salamat sa iyo, my hero. Baka patay na ako ngayon kung hindi mo ako tinulu-ngan. Ako nga pala si Penny Brown”

Nanlaki ang mata ng binatilyong bayani. “Mam, ako po si Kevin, ang batang tinamaan ng baseball bat at iniligtas mo seven years ago.”

Walang nagawa ang dalawa kundi magyakap nang mahigpit.

vuukle comment

BAYANI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with