^

Punto Mo

Payagan nang makabiyahe ang mga jeepney

PULSO NG MASA - Pang-masa

Kawawa naman ang mga drayber ng jeepney na sa kawalan ng ikabubuhay ay namamalimos na sa kalye. Napanood ko sa TV ang pamamalimos ng mga jeepney driver sa Caloocan at naka­kaawa naman ang kanilang kalagayan. Mayroon pang isang matandang drayber na edad 76 na pero gusto pang mamasada dahil wala raw silang ibibili ng pagkain.

Ang ibang drayber ay nagsabing wala na silang ipakakain sa pamilya. Payagan na raw silang mamasada para naman mayroon silang pambili ng pagkain para sa kanilang mga anak. Ang mga anak daw nila ang kawawa at hindi raw nila kayang tiisin ang pag-iyak ng mga ito habang nagugutom. Sabi pa ng isang drayber, kahit na hindi siya kumain basta ang mga anak lamang niya ay sapat na sa kanya. Mas mahalaga raw na busog ang kan­yang mga anak.

Nabasa ko na sa Hunyo 22 pa papayagan ng DOTr na pumasada ang mga dyipni. Marami pa raw isinasaayos kaya hindi pa pinapayagan.

Nauunawaan ko ang DOTr sa kanilang posisyon na huwag munang payagan ang pagpasada ng mga jeepney sapagkat maaaring magkahawahan ang mga pasahero. Siksikan kasi ang mga pasahero at madaling kakalat ang virus.

Dapat payagan na ng DOTr ang mga jeepney na may partition ang upuan at may harang na plastic para walang lilipat na virus sa katabi. Dapat din na limitado ang sakay. Kung noon ay 18 ang sakay, dapat gawing 10 lang para hindi magsiksikan.

Hindi dapat hayaang mamatay sa gutom ang mga jeepney drivers at kanilang pamilya. Payagan nang makabiyahe ang mga jeepney pero ituloy ang pag-iingat. – JOSE MANGUBAT, Maceda St. Sampaloc, Manila

vuukle comment

JEEPNEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with