^

Punto Mo

MM, zero major casualty sa New Year revelry -- Sinas!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

PALAKPAKAN natin ang Philippine National Police (PNP) dahil sa pagbaba ng 35 porsiyento ng firecracker blast victims sa bansa sa New Year revelry. Sa wakas natanim na rin sa isipan ng mga Pinoy ang panganib dulot ng illegal firecrackers tulad ng piccolo, pla-pla, lusis, whistle bomb, triyanggulo at iba pa na maaaring magdulot ng tetano na magiging sanhi ng kamatayan nila kapag hindi kaagad naagapan.

Kaya’t kahit halos taun-taon ang propaganda blitz ng PNP at Department of Health (DOH) laban sa paggamit ng illegal firecrakers, mukhang wa epek ito subalit natanim lang sa isipan ng mga Pinoy ang kasamaang dulot nito nang ipagbawal ni President Digong ang pagtinda nito.

At kumilos na rin ang PNP at kakutsaba na mga local executives para maglaan ng tinatawag na firecracker zones kung saan puwedeng gamitin ng mga mahilig magpaputok ng illegal firecrackers para mailayo ang publiko sa kapahamakan. Get’s n’yo mga kosa? At dahil sa mahigpit na kampanya ng kapulisan, 14 katao, pulis, sundalo at civilian, ang naaresto dahil sa indiscriminate firing, habang 20 naman ang nadakip sa pagbebenta ng illegal firecrackers. Araguuyyyy! Buti nga sa inyo na mga matitigas ang ulo at ayaw makinig sa panawagan ng gobyerno.

Siyempre kapag New Year revelry, nakatuon ang pansin ng publiko sa Metro Manila (MM) dahil sentro ito ng bansa at malapit sa PNP headquarters sa Camp Crame at sa Palasyo. Masaya namang iniulat ni NCRPO chief Brig. Gen. Debold Sinas na generally peaceful ang pagdiriwang sa pagpasok ng taong 2020 at walang major incidents na naitala ang tactical operations center (TOC) ng NCRPO.

“There was no reported major firecracker-related incident, including any injury from stray bullets, indiscriminate firing, or firecracker-related conflagration,” ani Sinas sa kanyang report. Ang ibinigay na dahilan ni Sinas sa NCRPO accomplishment, ay sa pagtalaga ng “Ligtas Paskuhan 2019,” na isang security safety campaign para mapababa ang krimen at mga insidente sa pagselebra ng Christmas at New Year revelries.

“The metrowide celebration of the New Year revelry was resoundingly safe,” ani Sinas. “These positive developments could be attibuted to our early preparations and consistent implementation of various security measures.” Iginiit pa ni Sinas na ang pag-ban sa paggamit at pagbenta ng illegal firecrackers at pyrotechnics ay malaking papel din ang ginampanan sa pagbaba ng bilang ng nasaktan sa Metro Manila. Siyempre, pinasalamatan din ni Sinas ang publiko na sumunod sa mga alituntunin ng gobyerno ni Digong na nagdulot nga ng mababang casualty figure sa pagpasok ng 2020. Araguuyyy! Hak hak hak!

Masaya ring ibinalita ni Sinas na ni isa man sa 28,000 strong NCRPO ay hindi nagpaputok ng kanilang armas sa New Year revelry.
Kaya bigyang-pugay natin mga kosa ang PNP, ang DOH at iba pang sangay ng gobyerno na nagtulung-tulong para ipahatid sa publiko ang kasamaang dulot ng paggamit ng illegal firecrackers na nagtagumpay naman. Kaya’t uulitin natin ito sa susunod na taon ha mga kosa? Abangan!

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with