^

Punto Mo

Katotohanan tungkol sa pagsisinungaling

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

• Base sa pag-aaral na ginawa ng University of Notre Dame Indiana USA, pananakit ng ulo at laging tensiyonado ang mga taong laging nagsisinungaling. Hindi lang pala maganda sa kaluluwa ang pagsasabi ng katotohanan kundi pati sa kalusugan.

• Base naman sa survey na ginawa sa University of Minnesota, 52 percent ng mga psychotherapists ay nakakaranas na pagsinungalingan ng kanilang pasyente. Nahihiya ang mga pasyente sa kanilang therapist dahil natatakot silang mahusgahan.

• Mas maraming kasinungalingan ang nasasabi ng isang tao kung nagsusulatan or nagte-texting lang sila ng kausap kaysa kapag magkaharap sila—face to face.

• Ayon sa psychological research study na ginawa noong 1985, nahihirapang magsinungaling ang isang tao kapag ang kausap niya ay opposite sex na may hitsura.

• Maikling pangungusap lang ang ginagamit kung ang tao ay nagsisinungaling.

• Sa isang pag-aaral na ginawa tungkol sa ugaling pagsisinungaling ng mga teen-agers: a)Mas magaling magsinungaling ang matatalino. b)Ang mas matandang teen-ager ay mas magaling magsinungaling kaysa mas bata sa kanila.

• Mga 91% ng kababaihan ang nagsabing, habang tumatanda ay lumalaki ang tiwala nila sa sarili kaya nababawasan na ang bilang ng kanilang pagsisinungaling.

vuukle comment

UNIVERSITY OF NOTRE DAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with