^

Punto Mo

KAPA, daming satsat! Harapin n’yo ako!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

KAYONG nagmamagaling diyan sa KAPA Community Ministry International, Inc. (KAPA), open invitation ito para sa inyo. Kung matapang kayo, harapin n’yo ko sa programa naming BITAG Live!

Eyeball-to-eyeball, pakikinggan namin kayo kasama ang Securities and Exchange Commission (SEC). Ilabas ang pinakamatalino n’yong abogado o kung sinumang pinagmamalaking pinakamagaling na opisyal o miyembro.

Bukas na bukas ang aming tanggapan at handa ang BITAG magbigay ng kortesiya para sa mga palusot n’yo. Tigilan n’yo na puro satsat at ngakngak sa social media.

Sinabi ko na sa inyo, Security and Exchange Commissions ang tirahin n’yo dahil mensahero lang ako bilang journalist. Gobyerno mismo, ang SEC ang nagsabing ilegal ang “ginagawa” n’yo at hindi ang mismong organisasyon.

Pilit n’yo kong tinitibag sa social media ha, hindi natitinag ang grupo ng BITAG ng ganyan lang. Humarap na lang kayo, period.  

Sino nga ba’ng hindi magdududa sa isang religious group na umi-extra bilang investment seller? Ano ‘yan, sideline?

‘Di lang ba mga pastor o relihiyoso ang inyong miyembro? Financial advisers din? Mag-invest ng pera at lalago ito ng 30 percent. Wow men!

O hindi raw investment, depensa ng mga miyembro at supporters ng KAPA, donation daw. Bago na pala ang kahulugan ng “donasyon” ngayon, may kapalit na o tubo?

Mala-kulto na ang inaasta nitong mga nagwawalang miyembro at supporters ng KAPA. Bulag na sa sinasabing BAWAL at ILEGAL, religious group pa mandin kayo.

Mabuti pa ‘yung iba, matatalino at naintindihan ang aking punto. SEC mismo ang nagpalabas ng babala, kapag maka-encounter ng ganitong kaso, huwag patulan at agad ireport sa kanila. Kapag ang iba sa inyo nalintikan, nasa huli ang pagsisisi.

May mga nagsasabi pa manalo raw muna ako sa eleksiyon bago kalabanin ang KAPA. Hindi ako tumatakbo sa pulitika, mga U-LOL (you laugh out loud).

‘Yung iba naman, kapag sila raw ay nabiktima hindi sila lalapit sa BITAG, nadismaya na raw sila sa akin. The hell I care? Hindi mga hambog na katulad n’yo ang tinutulungan ng programang BITAG!

vuukle comment

INC.

KAPA COMMUNITY MINISTRY INTERNATIONAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with