^

Punto Mo

Utol (49)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“’YUN bang nakatalikod si Xander?’’ tanong ni Gerald sa babae na sa tingin niya’y katulong sa karinderya.

“Opo! Siya po si Kuya Xander. Siya po ang may-ari nitong karinderya.’’

“Puwede siyang makausap?’’

“Opo. Sandali at lalapitan ko siya.’’

Nilapitan ng katulong ang nakaupo sa silya na si Kuya Xander daw.

Humarap ang lalaking tinatawag na Xander. Mukha namang mabait. Hindi naman ito pangit at hindi rin guwapo. Nahalata ni Gerald na may pagka-“binabae” ito. Tama ang sabi ng matandang napagtanungan niya. Dalawa ang Xander sa kalyeng ito na parehong bading.

Ang nakaagaw ng pansin ni Gerald ay putol ang kanang paa ng lalaki. Putol hanggang hita.

Lumapit ang babaing katulong kay Gerald.

“Lumapit ka raw po kay Kuya Xander,’’ sabi nito.

“Salamat.’’

Lumapit siya at nagmagandang umaga sa lalaki at kinamayan ito.

‘‘Ako po si Gerald,’’ sabi niya.

Ngumiti ang lalaki – ngi-ting mahinhin na nagpapakita ng kabadingan.

‘‘Ako naman po si Xander. May kailangan ka po ba sa akin at ako ay iyong hinaha­nap?’’

“Pasensiya na pero nagkamali lang po. Xander din po kasi ang pangalan ng taong hinahanap ko rito sa inyong kalye.’’

Nagtawa ang lalaki na la­long nagladlad sa pagkaba-ding nito.

“Tatlo kaming Xander dito! Dalawa ang siyoke at isang sanggano!’’

Nagkaroon ng interes si Gerald.

“Yung sanggano ang hi­na­hanap ko. Baka puwe­deng malaman kung may alam ka sa kanya,’’ sabi niyang naki­kiusap,

Na­pa­hagalpak uli ng tawa ang lalaki.

“Mahirap kausap ang sangganong iyon. Baka pagkinausap mo siya ay boldiyakin ka niya. Kaka­takot yun! Huwag mo nang kausapin at baka mayroon pang mangyari sa’yo. Ma­raming nata­takot sa sangganong iyon.’’

“Narito ba siya ngayon?’’

“Wala siya ngayon pero bigla-biglang sumusulpot. Ka-ya nga medyo tahimik nga­yon dito dahil wala siya. Malaki ang problema ng taong yun.’’

“Saan kaya siya makikita ngayon?’’

“Sabi taga-Liliw daw yun. May nasagap akong tsismis na anak sa pagkada-laga ang sangganong iyon. Pero mayaman daw ang ama. Maraming ari-arian sa probinsiya. Yun lang ang alam ko sa Xander na ‘yun. Wala akong ideya kung nasaan siya ngayon.’’

“Salamat. Aalis na ako,” sabi ni Gerald at tumalikod.

“Sandali! Hintay!’’ tawag ng lalaki. (Itutuloy)

vuukle comment

UTOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with