^

Punto Mo

Isla Paraiso (143)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“MABUTI at ikaw ang susulat ng story ng buhay ko. Hindi ka na gaanong mahihirapan dahil alam mo na di ba. Kayo ni Lolo Kandoy ang unang nakaalam ng buhay ko, di ba?’’

“Opo Sir Alexis. Pero gusto ko ulitin mo po ang mga iyon para ganap kong maunawaan at maisulat.’’

“Sure, Marikit.’’

“Salamat po.’’

“Hindi ko naman talaga ginustong mapunta rito sa Isla Paraiso. Wala akong balak noon at kaya nga lamang ako sumakay sa barkong iyon ay dahil sa gusto kong makalayo. Hindi ko rin alam kung saan ako tutungo. Basta wala akong alam na gagawin para sa aking buhay. Nagsasawa na ako dahil mayroon na ako nang lahat nang gusto ng isang tao. Natikman ko na lahat. Ano pa ba ang hihilingin ko? Marami akong pera, ari-arian, nakapagtapos ako ng kolehiyo at nakara-ting na rin sa iba’t ibang bansa. Ano pa ba ang kulang?

“Hindi ko alam kung ano ang gusto ko pa. Basta nagsasawa na ako sa buhay. Kaya nga gusto kong mamatay na noon. Kung mamamatay ako, wala nang problema.

“Nang abutin ng bagyo sa laot ang barko, napangi­ti ako. Kapag lumubog ang barko, tiyak na mamamatay ako. Tapos na ang mga pagkasawa ko sa buhay. Wala na akong iisipin pa.

“Pero hindi nangyari iyon. Nabuhay ako. Napadpad ako rito. Natagpuan n’yo ako sa aplaya. Ginamot ang sugat at pinakain.

“Hanggang sa malaman ko ang sagot sa lahat nang tanong ko nang manirahan dito. Marami pala akong matutulungan dito. Dito ko pala matatagpuan ang sarili.

“Dito ko nalaman na ma­sarap pala ang mabuhay. Masarap pala ang tumulong sa kapwa. Masarap pala na mayroong pangarap para ikauunlad ng bayan. Masarap palang alagaan ang kapaligiran.’’ (Itutuloy)

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with