^

Punto Mo

Metro Manila, i-decongest na!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Marami sa ating mga kababayan ang hindi na talaga kinakaya ang kalbaryo at patindi nang patinding pang trapik sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Wala na talagang masulingan ang mga motorista, hindi tulad dati kapag ma-trapik sa isang lugar pwede kang mag-divert sa mga side street na kahit papaano eh tumatakbo, pero ngayon kahit sa mga side street o kahit na nga sa mga eski-eskinita na lang, wala nang galawan.

Mapa-service road o mapa–main road mistulang malaking parking area.

Marami ang nagkakasakit, naha-high blood dahil sa ma-tinding stress.

Sa ilang eksperto, malabo na umanong masolusyunan ang trapik sa Metro Manila. Kahit anong mga traffic scheme ang ipatupad, tila hindi na umuubra.

Dahil ang pangunahing problema nga rito ay ang malaking volume na ng mga sasakyan na nagsisiksikan sa hindi naman lumalaking mga kalsada o lansangan.

Isa pa marahil, ay ang hindi na naipapatupad na truck van, aba’y kahit anong oras. Kasabayan na sa mga lansangan ang mga higanteng truck. Mukhang sa Maynila, planong ibalik muli ang truck ban. Sa ibang lungsod kaya, paano sila pwedeng tumulong para masolusyunan ang problema sa trapik.

Sa huli, marahil ay dapat na ring simulan na i-decongest ang Metro Manila.

Mailabas ng Metro Manila ang ilang mga tanggapan o ahensya ng pamahalaan.

Malamang na makatulong ito ng malaki para mabawasan ang trapik sa Kalakhang Maynila.

Bukod nga rito, makakatulong pa ito para makilala, at sumabay sa pag-unlad ang mga karatig lalawigan.

Kung sisimulan ito ngayon at kahit paunti-unti, lilipas ang taon, naniniwala tayong kung hindi man tuluyang masolusyunan, maiibsan kahit bahagya  ang problema sa trapiko sa Metro Manila.

Lalu pa nga at sasabay pa rito ang pagsasaayos at pagpapalawak ng mga mass transport na pwedeng maging alternatibo ng mga mananakay.

Oo nga’t hindi ito kayang gawin ng madalian, pero malaking bagay kung ito ay agad nang masisimulan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with