^

Punto Mo

Paaralan sa New Zealand nananatiling bukas kahit wala ni isang estudyante

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

Isang pampublikong paaralan sa New Zealand na wala ni isang estudyante ang nangakong mananatiling nakabukas hangga’t may posibilidad na may mag-aaral na maaring mag-enroll.

Wala kasing nag-enroll sa Tuturumuri school sa Wairarapa, North Island nitong nakaraang pasukan kaya wala rin nakatakdang pumasok sa susunod na taon.

May 22 mag-aaral ang Tuturumuri limang taon na ang nakakaraan bago sila tuluyang nawalan ng mga estudyante.

Ayon sa mga guro ng paaralan ay naubos ang mga pumapasok sa kanila nang mag-alisan ang mga residente matapos malugi ang industriya ng agrikultura sa Wairarapa na pangunahing kabuhayan sa kanilang lugar.

Sa kabila nito, hindi pa rin sumusuko ang pamunuan ng pampublikong paaralan sa lugar at ipinangakong gagamitin nila ang mga hindi nagastos na pondo upang mapanatili nilang bukas ang eskuwelahan para sa sinumang gustong pumasok.

Kung wala pa rin mag e-enroll sa susunod na taon ay planong gamitin na lang ang pondong nakalaan sa paaralan sa pagbili ng isang bus na maghahatid sa mga bata sa eskuwelahan sa kasunod na bayan.

Nanghihinayang naman ang mga guro sa Tuturumuri na walang nag e-enroll sa kanilang eskuwelahan dahil kung mayroon daw ay siguradong matututukan at magagabayan nila ng lubos ang bawat mag-aaral na pumapasok sa kanila.

Kung sa ibang eskuwelahan  kasi ay problema ang kakulangan ng nagtuturo, kabaliktaran naman ang sitwasyon sa Tuturumuri kung saan sobra-sobra ang dami ng guro para sa bawat estudyante.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with