^

Punto Mo

Diamond ring na 13 taon nang nawawala, natagpuang nakasuot sa tanim na carrot

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NANG mawala ng Canadian na si Mary Grams ang kanyang diamond engagement ring sa kanilang vegetable farm ay tinanggap na niyang hindi na niya makikita ito muli.

Kaya naman laking gulat at tuwa niya nang matagpuan muli ito matapos ang 13 taon na nakasuot sa isa sa mga carrot na kanyang pinatutubo.

Ayon sa 84-anyos na si Grams, malamang na naiwala niya ang singsing nang siya ay nagbubunot ng damo sa kanyang farm sa central Alberta noong 2004.

Pinaghahanap raw niya kung saan-saan ang singsing ngunit nabigo siyang makita muli ito. Ilang beses din daw niyang iniyakan ang pagkawala ng diamond ring, ayon kay Grams.

Nasa 50 taon na rin kasi niyang suot-suot ito matapos itong ibigay sa kanya ng kanyang namayapang asawa bago sila ikasal.

Buhay pa ang kanyang asawa noong mawala ang singsing kaya para makaiwas sa malaking away ay bumili na lang siya ng pekeng singsing upang walang makapansin sa pagkawala ng totoo.

Walang ibang nakaaalam sa pagkawala ng singsing hanggang nitong Lunes, nang matagpuan ng kanyang manugang na babae ang singsing na nakapulupot sa isa sa mga nakatanim na carrot sa kanyang farm.

Nagsisisi si Grams na hindi niya sinabi ang totoo sa kanyang asawa kahit sigurado siya na walang katapusang kantyaw ang aabutin niya mula rito. Ii­ngatan na rin daw niya ang singsing, na hindi na niya isusuot kung may gagawin siya sa labas ng bahay.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with