^

Punto Mo

Away ng 2 BIR officials, pumutok na

KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

SUMAMBULAT na ang iringan mismo sa pagitan ng mga matataas na opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR). 

Ito ay kaugnay ng lantarang siraan at durugan nina BIR Commissioner Caesar Dulay at Deputy Commissioner Jesus Clint Aranas.

Ito ay may kaugnayan sa umano’y tax assessment ng Del Monte Philippines, Inc.

Ayon sa aking source, malalim ang ugat ng usaping tax assessment dahil sa umano’y puntirya ni Aranas na masibak si Dulay.

Lumilitaw na ang mga kaalyado ni President Duterte ay “nagkakagatan” sa isa’t isa gaya rin sa iba pang ahensiya tulad sa SBMA, Malacañang o sa Office of the President.

Kung totoong interesado si Aranas sa puwesto ni Dulay, kawawa naman ang mga maiipit na korporasyon o mga negosyante.

Pero makakabuting silipin na rin at imbestigahan kung totoong may anumalya sa tax assessment sa DMPC para na rin sa interes ng publiko.

Tiyak na pabubulaanan ni Aranas na interesado siya sa puwesto ni Dulay pero kung may delikadesa siya at mabakante ang puwesto ay huwag niyang tanggapin sakaling siya ang ipalit dito.

Mahigit isang taon pa lang ang Duterte administration ay nagbabanggaan na ang mga naitalagang opisyal na ang nakakatakot ay ang publiko ang magsasakripisyo maisulong lamang ang pansariling interes ng mga opisyal na ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with