^

Punto Mo

May discharge sa kababaihan

MD - Dr. Willie T. Ong - Pang-masa

Ako’y 45 years old at nagpa-hysterectomy dahil sa kanser sa matris. Stage I po. Gusto ko pa rin mapaligaya ang aking Mister. Ano ang dapat kong gawin?

Ayon kay Dr. Angela Du, isang obstetrician-gynecologist ng Manila Doctors Hospital, may maling paniniwala na kapag wala nang matris ang babae, hindi na siya puwede magkaroon ng maligayang sex life. Ayon day Dr. Du, ang tinanggal sa babae ay ang matres lamang. Pero ang kanyang vagina at ang mga sensitibong ugat na nakapalibot dito ay nandoon pa rin. Itong mga ugat (nerves) sa vagina ang nagbibigay ng ligaya at orgasm sa babae.

Dagdag pa ni Dra. Du, “Hindi mo kailangan ng matris para makipag-sex. Ang problema mo ay nasa isip lamang.” Kung medyo tuyot ang pakiramdam ng iyong vagina, gumamit ng KY jelly para dumulas ito. Ang KY jelly ay nabibili sa botika. Maraming babae ang natanggalan na ng matres pero maligaya pa rin ang kanilang Mister. Nasa diskarte lang iyan!

Ako’y 31 years old. May napapansin po akong kulay puti na discharge mula sa aking puwerta. Medyo malansa at mabaho po ang amoy nito. Ano ang dapat kong gawin?

Normal ang magkaroon ng vaginal discharge pero dapat ay walang kulay (colorless) or kulay puti lang ito. At hindi dapat mabaho ang amoy nito. Sa palagay ko, mayroon kang impeksyon sa vagina. Minsan ay makati ito o mahapdi ang pakiramdam.

Ang Candidiasis o yeast infection ay nagdudulot ng malapot at maputing discharge. Para bang kesong puti and hitsura. Magpakunsulta ka sa isang OB-gynecologist para masuri. May binibigay lang silang anti-fungal na suppository na inilalagay sa loob ng puwerta.

Mayroon ding isang klaseng discharge na kulay dilaw at mabaho. Maaaring STD o sexually-transmitted disease ito. Kumunsulta agad sa doktor.

HYSTERECTOMY

KANSER

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with