^

Punto Mo

‘Best friend kinain!’

CALVENTO FILES SA PM - Tony Calvento - Pang-masa

KUNG nabubuhay si Fernando Poe Jr. siya din ay magde-desisyon gaya ng ginawa ng Metro Manila Film Festival (MMFF) sa pagbawi ng parangal sa kanila.

Ang isyu dito ay ang tungkol sa pagkakapatay sa aso at paggawang pagkain. Isang bagay na pinuna sa buong mundo na ang Pilipino ay hindi lang dog lovers kundi ‘dog eaters’.

Nung kelan ay may na-raid na lugar kung saan maraming katayan ng aso at meron pang labanan at tayaan ng aso na mga pit-bull sa San Pedro City. Magandang araw sa iyo Supt. Harold Depositar.

Alam kong bago ka pa dito pero wala bang nagsabi sa mga tao mo diyan tungkol dito na kinailangan pang ma-raid ito ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS).

Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpatay o pananakit sa mga hayop lalong-lalo na kung ito ay gagamitin para mapagkakitaan. Ito ay ayon sa Republic Act 10631 o Animal Cruelty Act.

Naging mas malala ang sitwasyon nang sinabi ng mga nasa likod ng produksyon ng Oro na kambing daw yun na ginamitan ng prosthetics. Gaano ba kaimportante na magpakita na kinakatay na aso at kinakain sa pelikula mo Direk Alvin Yapan?

May kinunan lang daw sila sa isang probinsya at ginamit sa pelikula. Kahit na ang babaw na dahilan na iba ang pumatay bakit mo ilalagay yan sa pelikula mo ano yan papanoorin ng iba at tutularan?

Gumawa na ng hakbang ang PAWS tungkol dito at humihiling sila ng imbestigasyon.

Bago daw maipalabas ang ganito ay kinakailangan muna ng maayos na pakikipagkoordinasyon sa Bureau of Animal Industry and Committee on Animal Welfare (CAW) na hindi umano ginawa ng pangkat ng Oro.

Sa una nilang pahayag walang nasaktang hayop sa paggawa ng pelikula ngunit kalaunan ay inamin din na may namatay na aso.

Pinatanggal sa mga sinehan ang palabas na ito bilang agarang aksyon at binawi ang parangal na ibinigay sa kanila ng MMFF.

May kasabihan sa wikang ingles na ‘a dog is a man’s best friend’. Dito sa Pilipinas hindi lamang best friend ang aso kinakain pa!

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

vuukle comment

FERNANDO POE JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with