Out-of-body experience
DIKLAP - Ms. Anne (Pang-masa) - October 25, 2016 - 12:00am

ANG mga sumusunod na pangyayari ay kuwento ng aking ama. Bata pa ako at hindi pa pumapasok sa school. Nakahiga raw kami noon at nagpapahinga. Napapagitnaan namin ng aking kapatid si Tatay. Out of the blue bigla na lang akong nagtanong sa aking tatay.

“Tatay bakit marami kang kausap na madre?”

Natigilan ang aking ama. Hindi siya sumagot. Bumangon siya at hinanap ang aking nanay. Tanong niya kay Nanay, “Umalis ba kayong mag-iina kanina?”

“Hindi, bakit?”

“Bakit nalaman ng anak mo na may kinausap akong mga madre? Nagpunta kami sa kumbento para mag-imbestiga. Kanina ay nagpatawag ng pulis ang mga madre dahil may nakita silang dalawang lalaki na nakapasok sa kumbento. Natakot at mabilis na umalis ang mga lalaki nang magsisigaw si Sister Salvacion. Paano niya nalaman na galing ako doon?”

Naging isang palaisipan iyon sa aking ama at ina dahil sa edad kong iyon, hindi ko pa kayang mag-isa na pumunta sa kumbento ng mga madre na nasa tabi ng simbahan. Para sa isang bata na wala pang pitong taong gulang, malayo ang distansiya ng aming bahay papunta sa simbahan. May isang kalye itong tatawiran na daanan ng mga humaharurot na pampasaherong jeepney.

Noong ako ay 10 taon, nakaranas ako ng out-of-body experience (OBE). Tanghali iyon at natutulog ako. Ang natatandaan ko ay parang akong ipinaghehele sa sobrang sarap ng aking pagkakatulog. ‘Yun bang pakiramdam na kinikiliti ang iyong talampakan habang natutulog. Tapos namalayan ko na lang na nakalutang ako sa kisame ng aming bedroom. Pinapanood ko ang aking katawan na tulog na tulog. Natakot ako dahil hindi ko maintindihan ang nangyayari sa akin. Inisip kong sana ay magising na ako kaya natapos ang aking OBE.

Muling naikuwento ng aking ama ang tungkol sa mga madre noong nasa kolehiyo na ako. Nagkataong marami-rami na rin akong nabasang libro tungkol sa astral travel at OBE. Nagkaroon ako ng konklusyon na nag-astral travel ako noong bata pa kaya nalaman kong may kinausap na mga madre ang aking ama. Ang nangyaring OBE noong 10 taon ako ay hindi na naulit . Sa sobrang takot, inutusan ko ang aking utak na iyon na pinakahuling OBE na mangyayari sa akin.

 

BODY EXPERIENCE
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with