^

Punto Mo

Lalaki sa UAE, hiniwalayan ang asawa matapos makita itong walang make-up

SEEN SCENE - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki sa United Arab Emirates (UAE) ang diniborsiyo ang kanyang asawa matapos niyang makita sa unang pagkakataon ang itsura nito nang walang make-up.

Hindi na kinilala ang mga pangalan ng dating mag-asawa na naghiwalay ilang araw lang matapos ang kanilang kasal.

Nangyari ang hiwalayan nang mamasyal ang mag-asawa sa isang beach. Nang maligo sila sa dagat, naalis ng tubig ang make-up at pekeng pilikmata ng babae kaya sa unang pagkakataon ay tumambad sa kanya ang tunay na itsura ng asawa.

Hindi makapaniwala ang lalaki dahil hindi niya nakilala ang kanyang asawa habang wala itong make-up kaya inakusahan niya ito ng panlilinlang.

Anim na buwan pa lang kasi silang magkakilala bago niya inayang magpakasal ang babae kaya hindi pa niya ito nakikita kailanman na walang kolorete sa mukha.

Nakipaghiwalay kaagad ang lalaki matapos ang insidente at buo ang pagtanggi nito sa pakikipagbalikan sa kanyang dating asawa.

Nagpaliwanag naman ang babae na sumailalim talaga siya mga prose­so ng pagpapaganda at plano naman niyang aminin ito sa kanyang asawa kung hindi lang siya naunahan ng mga pangyayari.

vuukle comment

UNITED ARAB EMIRATES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with