Lalaki sa Thailand nakaligtas matapos kagatin ng sawa sa ari habang nakaupo sa inidoro
ISANG lalaki sa Thailand ang ngayon ay nagpapaga-ling na matapos kagatin sa kanyang ari ng isang sawang 10 talampakan ang haba na nagtatago pala sa loob ng inidorong kayang inupuan.
Nakangiti na si Attaporn Boonmakchuay habang ini-interview ng mga reporter sa hospital kung saan siya itinakbo matapos matanggal ang sawang nakasakmal sa kanyang ari. Ayon naman sa mga doktor ay makakapagpagaling siya ng lubusan.
Sa kabila nito ay hindi maipagkakaila ang kahindik-hindik na nangyari kay Attaporn lalo na kung makikita ang madugong banyo kung saan nangyari ang insidente.
Umabot kasi ng 30 minuto bago natanggal ang sawa mula sa pagkakagat nito sa kanyang ari, ayon mismo sa 38-taong gulang na si Attaporn. Sa huli ay nawalan na siya ng malay kaya kinailangan pa niya ang tulong ng kanyang asawa at isang kapitbahay para maalis ang pagkakasakmal ng sawa.
Kinailangan fin na baklasin ang banyo ni Attaporn dahil nakapulupot talaga ito sa mga tubo na nasa ilalim ng inidoro. Pinakawalan din ang sawa sa gubat ayon sa mga nakahuli dito.
Nasa mabuti namang kalagayan si Attaporn na masayang nagpapaunlak sa mga interview kahit hindi pa rin makapaniwala ang kanyang pamilya sa nangyari.
- Latest