^

Punto Mo

Sir Juan (109)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

PINAGMASDAN ni Nectar si Mahinhin habang papasok ito sa main building ng unibersidad. Nang makapasok si Mahinhin ay hindi agad umalis si Nectar sa kinatatayuan at sandaling pinag-aralan ang mga posibleng eskedyul ni Mahinhin. Kapag MWF ay pang-umaga si Mahinhin.

Bukas ay kailangang masundan muli niya si Mahinhin para malaman kung ano ang sked nito kapag TThS. Kapag nalaman niya ang sked nito, maisasagawa na niya ang bagong plano para makaganti kay Mahinhin sa pag-agaw nito ng atensiyon kay Sir Juan. Mula nang bumalik si Mahinhin, nawala na siya ng pagkakataong maakit si Sir Juan. At ang masakit pa nga nakita niyang “naglalaplapan” ang mga ito.

Parang kinukurot ang puso ni Nectar sa pagkainggit sapagkat sa halip na siya ang ‘‘kalaplapan’’ ni Sir Juan, ang malanding si Mahinhin nga ang kaulayaw. Malandi talaga.

Hanggang maisip ni Nectar, tiyak na si Sir Juan ang nagpapaaral kay Mahinhin dahil hindi na nagsasayaw sa KOLEHIYALA. Naba­litaan niya, isinara na ang KOLEHIYA makaraang i-raid ng mga pulis.

Kaya siguro grabeng pagpapatsarming ang ginawa hanggang maakit si Sir Juan.

Napahinga nang malalim si Nectar. Ipinasya na niyang umalis.

Kinabukasan, muli niyang sinundan si Mahinhin at nakumpirma niyang panggabi ang sked nito kung TThS.

ISANG gabi, naglalakad si Mahinhin patungo sa sakayan ng dyipni. Galing siya sa unibersidad. Kakaunti ang mga naglalakad.

Hanggang may maramdaman siyang sumusunod sa kanya.

Kinabahan si Mahinhin.

(Itutuloy)

ACIRC

ANG

BUKAS

HANGGANG

IPINASYA

ITUTULOY

KAKAUNTI

KAPAG

KAYA

MAHINHIN

SIR JUAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with