Sir Juan (53)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - December 5, 2015 - 9:00am

“SINO ito?’’ Tanong ni Sir Juan habang pinagmamasdan ang picture sa cell phone ni Nectar. Hubad na babae ang nakita niya.

“Hindi mo kilala, Sir Juan?’’ Tanong ni Nectar na nakangiti.

“Hmmm, teka…’’

Pinagmasdang mabuti. Pero hindi talaga niya mamukhaan ang nasa picture.

“Hindi ko talaga makilala, Nectar.’’

“Di ba si Mahinhin ‘yan.’’

“Si Mahinhin ba ito?’’

“Opo. Si Mahinhin po ‘yan.’’

Takang-taka si Sir Juan.

“Bakit nagkaganito? Bakit walang saplot? Bakit malaswa?”

Nagtawa si Nectar. Tala-gang inosenteng-inosente si Sir Juan sa mga tanong. Parang noon lang yata nakakita nang hubad na babae.

“’Yan po ang lihim ni Mahinhin, Sir Juan. Nabisto na po ang kanyang itinatago.’’

“Itinatago?’’

“Opo. Bistado na siya Sir Juan. Di ba ang sabi sa iyo ni Mahinhin ay sa pabrika siya nagtatrabaho.’’

“Oo nga. Sa pabrika nga siya nagtatrabaho at isa siyang bookkeeper.’’

Biglang nagtawa si Nectar.

“Sinungaling po si Mahinhin, Sir Juan. Sa halip na sabihing nude dancer siya e bookkeeper ang sinabi niya. At sa halip na sabihing sa club o KTV siya nagtatrabaho ay sinasabing sa pabrika. Matagal ka na po niyang niloloko.’’

Hindi makapagsalita si Sir Juan. Patuloy na nakatingin sa picture. Talagang hindi siya makapaniwala.

“Ang pangalan po ng kanyang pinagsasayawang club ay KOLEHIYALA.’’

“Paano mo nalaman ito, Nectar?”’

Napangiti si Nectar.

“Isa pong kaklase ko ang kumuha niyan. Nakita po niya kung paano magsayaw nang hubad si Mahinhin.’’

Napailing-iling si Sir Juan.

Hanggang sa maging seryoso ang mukha.

“Ano ang balak mo Sir Juan?’’

Hindi makasagot si Sir Juan. Nalilito siya. (Itutuloy)

ACIRC ANG BAKIT JUAN MAHINHIN NECTAR OPO SI MAHINHIN SIR SIR JUAN SIYA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with