^

Punto Mo

MAPSA sangkot sa kotong?

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

FLASH Report: Nag-iiyakan ang mga gambling lords sa Quezon City hindi dahil sa malawakang kampanya ng Quezon City Police District (QCPD) laban sa kanila kundi bunga sa abot-langit na lingguhang payola na hinihingi ng City Hall detachment. Nais kasi ng isang Maj. Lorenzo na mula P8,000 weekly, ang lingguhang tong ng mga gambling lords sa City Hall ay itinaas sa P40,000. Sinabi ng mga kosa ko na nagyayabang itong si Maj. Lorenzo na kung magkano ang kinukuha ni QCPD director Chief Supt. Ed Tinio sa mga players ay ganun din ang sa kanya. Kaya’t hindi napigilan ni kosang Felix Vargas na magkomento sa social media na 2 na ang heneral ng pulis sa Kyusi. Get’s mo PNP chief Dir. Gen. Ricardo Marquez Sir? Papayag kaya si Gen. Tinio na me karibal s’ya? Kung sabagay, hindi naman under ng hurisdiksiyon ni Gen. Tinio itong si Maj. Lorenzo dahil nasa kay Mayor Herbert Bautista s’ya naka-direkta. Hindi kaya bahagi ng fund raising ni Mayor Bautista itong pagkasuwapang sa pitsa ni Maj. Lorenzo?

* * *

Noong panahon ni Vice Pres. Jojo Binay bilang mayor ng Makati City, naging kontrobersiyal itong Makati Public Safety and Assistance (MAPSA) bunga sa lahat na lang ng lumalabag sa trapiko ay hinuhuli ng mga ahente nila. Maging sino ka man, wala kang ligtas sa MAPSA kapag lumabag ka sa batas trapiko kaya’t ang mga commuters ay masyadong nag-iingat sa pagmaneho kapag sa Makati sila. Nang pinalitan si Nognog ng anak na si JunJun bilang mayor, itinuloy nito ang proyekto ng kanyang ama at puro papuri ang inani ng MAPSA sa trabaho nila. Subalit nasuspendi ng Ombudsman itong si JunJun at pumalit si acting Mayor Romulo “Kid” Peña at sa ngayon nagwawala na ang MAPSA. Imbes na trapiko ang asikasuhin ng MAPSA sa panahon ni Peña, aba puro pagkakitaan na ang inaatupag nila, di ba mga kosa? Kapag hindi nasawata ni Peña itong money-making schemes ng MAPSA baka damputin s’ya sa kangkungan sa darating na May election, di ba mga kosa? Punyeta! Wala namang pagbabago sa Makati sa panahon ni Peña at sa katunayan lalong bumaho pa. Tumpak!

Nagulat ang mga kosa ko sa Makati nang makita nila na labas-masok ang mga malalaking trak na karga ang semento sa Ayala Ave.. Noong panahon ng mga Binay, ipinatupad nila ang truck ban hindi lang sa Ayala Ave., kundi maging sa Makati Commercial District sa pangambang masisira ang kalsada bunga sa mabibigat na karga ng trak. Ang ipinagtataka ng mga kosa ko, hindi hinuhuli ng MAPSA ang mga trak at wala naman silang balita kung nasuspendi na ang truck ban sa siyudad. Totoo kaya ang balita na kaya pinayagan ang mga trak na pumasok sa Makati ay bunga sa P200,000 lagay kada buwan sa MAPSA? Nakupoooo! Hindi lang ‘yan! Ayon pa sa mga kosa ko, pati mga bilao vendors ay P50 kada araw ang lagay sa MAPSA at mga FX terminal sa Bgy. Comembo ay P60,000 kada buwan sa tatlong asosasyon? Punyeta! Dapat mag-iingay din itong sina former Vice Mayor Ernesto Mercado at Atty. Rene Bondal sa katiwalian na ito, di ba mga kosa? Hindi yaong puro Binay lang ang target nila.

Kung sabagay, kaya siguro nagmamadali itong mga bataan ni Peña dahil abot nila na ilalampaso sila ni Rep. Abigail Binay sa darating na Mayo. Maging ang mga empleado ng City Hall ay malayo ang loob kay Peña dahil puro pangako lang ang binitiwan n’ya na hindi naman sinasang-ayunan ng mga konsehal. Ang mga Brgy. chairman naman ay lamang pa din ang mga loyal sa mga Binay at hindi maarok ni Peña kung ano ang gagawin n’ya para makuha ang simpatiya nila. Nagpatawag nga ng meeting itong si Peña sa Brgy. Bangkal nitong nagdaang mga araw at na-postpone dahil walang dumating. Ang siste, ang lechon na nakalaan sa meting ay pinapak na lamang ng iilang loyalist ni Peña. Kung si Bondal ang tatanungin, siyam na taon pa na hahawakan ng kampo nila ang Makati subalit para naman kay VP Binay sa Enero lang ay babalik na sa trono si Junjun. Punyeta! Kay ilap ng pagbabago sa Makati! Abangan!

vuukle comment

ACIRC

ANG

ATILDE

BINAY

CITY HALL

HINDI

ITONG

LORENZO

MAJ

MAKATI

MGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with