^

Punto Mo

Sunog!

WANNA BET - Bettinna P. Carlos - Pang-masa

SA ikalawang pagkakataon ay nakasaksi na naman ako ng sunog. Ang pabrika sa likuran ng restawrang katapat ng aming­ bahay ay nasunog noong Lunes. Galing ako sa taping ng My Husband’s Lover at umuwi saglit upang kunin ang mga brownies­ at cupcakes ko na ide-deliver sa Makati at the Fort.

Nasa kuwarto kami sapagkat reading time ni Gummy nang marinig kong humahangos at umiiyak si Mama, “Anak, nasusunog ang tapat natin!” Sumilip ako sa balcony at nakita ko ang malaking apoy na nilalamon ang bubong ng pabrika. Dinig na dinig ang pagbasag ng mga salamin. Parang tumigil ang aking mundo habang nakatitig sa nilalamon na gusali.

Nagsisigawan ang mga tao habang lumilikas. Nakaka-trauma talaga.

Mabilis rumesponde ang mga bumbero. Maging ang mga miyembro ng maintenance per­sonnel ng aming condo ay tumulong! Gamit ang fire extinguishers sa bawat palapag ay sinubukan nilang mapatay ang apoy. Ngunit lalong lumaki ang apoy. Hinahalikan nito ang condo sa tabi ng nasusunog na pabrika. 

Hanggang sa napatay ng mga bumbero ang apoy. Umulan pa nang malakas na para bang si Lord na ang tumuldok sa apoy.  

Naisip ko tuloy, wala talagang lugar na ligtas. Dapat lagi nating ipagdasal na maging ligtas tayo at ang minamahal natin. Always pray for protection.

ANAK

DAPAT

DINIG

GAMIT

HANGGANG

HINAHALIKAN

MABILIS

MAKATI

MY HUSBAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with