^

Punto Mo

Pacquiao, kayamanan ng Pilipinas

LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

GINAGAWANG katatawanan sa social media si pambansang kamao Manny Pacquiao. Bakit kaya hindi­ mapigil ang ilan nating kaba­bayan na manira at magpa­bagsak ng kanilang kapwa Pilipino lalo na pag nasa gitna ng problema?

Bagamat maituturing na  hindi maganda ang pagkatalo ni Pacquiao kay Juan Manuel Marquez, hindi naman dapat siyang laitin dahil nag­bigay siya nang maraming ka­rangalan sa bansa.

Bagamat maraming nagsasabi na dapat ay magretiro na o ipagpatuloy ang pagboboksing, huwag naman sanang humantong sa panlalait at personalan.

Si Pacquiao ay malaking kayamanan ng Pilipinas dahil nakilala ang mga Pilipino sa mundo dahil sa kanyang katanyagan. Kahit saang panig ng mundo magpunta at binanggit mong ikaw ay Pilipino, agad babanggitin si Manny Pacquiao.

Bagamat sa column ko noong Lunes ay sinabi kong dapat nang magretiro si Pacquiao, nasa kanya pa rin ang desisyon kung nais pa niyang magpatuloy sa pagboboksing. Kung magpapatuloy siya, dapat maging handa at seryoso siya sa laban. Magbawas siya ng iba pang aktibidad upang hindi maapektuhan ang kanyang preparasyon.

Ang payo ko, makabubuting balasahin niya ang Team Pacquiao.­ Panahon na upang magpalit siya ng ilang tauhan at dapat ’yung may mahalagang papel lang sa kanyang training. Walang pinag-iba yan sa isang basketball team na minsan ay nagpapalit ng head coach o coaching staff para lalo pang mapagbuti ang performance ng koponan.

Sa halip na laitin, bigyan natin ng moral support si Pacquiao. Nasaktan siya sa nilasap na pagkatalo lalo pa’t alam niyang maraming kababayan ang nadismaya sa laban. Tulungan nating bumangon si Pacquiao. Huwag sana niyang gayahin ang British boxer na si Ricky Hatton na nakaranas ng depresyon at nagumon sa iba’t ibang bisyo.Hindi na siya nakabangon.

Ingatan natin si Pacquiao bilang kayamanan ng mga Pilipino. Tulungan natin siyang makabangon upang maging maayos ang kanyang pormal na pagreretiro sa boksing. Iilan lang naman ang nagnanais bumagsak si Pacquiao samantalang marami ang nagnanais na siya ay makabangon.

vuukle comment

BAGAMAT

JUAN MANUEL MARQUEZ

PACQUIAO

PILIPINO

RICKY HATTON

SI PACQUIAO

SIYA

TEAM PACQUIAO

TULUNGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with