Sa sobrang kalasingan...Ellen Adarna, nakalimutan ang ginawang ‘kagagahan’ sa Cebu!

Humingi ng apology si Ellen Adarna matapos mag-viral ang video ng kanyang “wild” moment sa BisNok Festival sa Dumanjug, Cebu.
Nakuha ni Ellen ang atensyon ng online community matapos ngang kumalat ang mga clip mula sa nasabing celebration kung saan makikita siyang sumasayaw, nakikihalubilo sa mga lokal, at tuma-tumbling habang nagaganap ang pagdiriwang noong nakaraang weekend.
Matapos kumalat ang mga video, inokray-okray siya.
“Happy fiesta na lang sa inyo, guys. First and last ko na ‘to. Titigil na ako, hahaha,” pahayag ni Ellen sa isa sa mga video.
Ayon sa post ng Cebu Knows, sinabi ni Ellen na hindi niya maalala ang mga nangyari.
In Tagalog na, sinabi niyang: “Guys pasensiya na dahil kahapon, nag-tumbling pala ako, wala na akong maalala. Andun ba kayo? Nag-trending na pala, nakakahiya na pala yung ginawa ko.”
Isa si Ellen sa ilang celebrity na inimbitahan sa fiesta, kung saan ang kanyang childhood friend na si Efren Guntrano “Gungun” Z. Gica ang incumbent mayor.
Dumalo raw ito sa event kasama ang celebrity couple na sina Kaye Abad at Paul Jake Castillo.
- Latest
























