^

Punto Mo

Nambabastos na ang China

LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

Hayagan na ang pambabastos ng China sa Pilipinas nang ilagay sa kanilang E-passport ang map ng West Philippine Sea. Mabuti at pumalag na rin ang ating gobyerno ukol dito.

Naunahan pa  ng Vietnam ang Pilipinas sa pag-alma at pagprotesta sa E-passport ng China. Tayo ang pinaka-huling nagpasya na huwag itong tanggapin o huwag i-stamp sakaling may papasok na Chinese national sa bansa.

Kailangang iparamdam natin sa China na hindi nila tayo puwedeng tapak-tapakan. Suportahan natin ang desisyon ng ating gobyerno at huwag magpaapi sa China.

Bilib ako kay Sen. Miriam Defensor-Santiago na umalma sa China. Nakakawalang bilib naman si Senate president Juan Ponce Enrile na hindi na raw dapat pag-aksayaan ng panahon ang mapa.

Nirerespeto ko ang pananaw ni Enrile pero pagpapakita ito ng senyales na okey lang sa senador na api-apihin ang Pilipinas ng China. Hindi pa naman ito aktuwal na giyera kundi digmaan ng protesta kaya dapat ay maging aktibo ang Pilipinas  upang mapanindigan ang paghahabol sa mga isla sa West Philippine sea.

Dapat bantayan ang bawat kilos ng China. Bilisan ng Pilipinas sa paglalabas ng protesta dahil ito lang ang ating kaya batay sa umiiral na demokrasya.

Nakakabilib ang Vietnam na ngayon pa lamang bumabangon matapos ang giyera sa kanilang bansa ay matapang at aktibong kumokontra sa China. Sana ganito rin ang Pilipinas.

Saluduhan natin ang mga aksiyon ni President Aquino sa ginanap na ASEAN meeting sa Cambodia. Nanindigan si P-Noy na magsama-sama ang claimants  na naghahabol sa West Philippine sea.

Wala tayong ibubuga sa China pero mas matatalino ang mga Pilipino at mas magagaling mag-isip ng estratehiya ng protesta. Ipamukha sa China na huwag naman silang mang-api ng mga maliliit na bansa tulad ng Pilipinas.

Huwag tayong matakot na baka manggipit ang China sa isyu ng kalakalan at maapektuhan ang ating ekonomiya. Huwag kalimutan ang pinasimulan ang ating mga bayani na lumaban sa mga dayuhan.

 

vuukle comment

BILIB

BILISAN

CHINA

HUWAG

JUAN PONCE ENRILE

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

PILIPINAS

PRESIDENT AQUINO

WEST PHILIPPINE

WEST PHILIPPINE SEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with