^

Police Metro

Trike driver na nang-scam sa Australian vlogger, inaresto

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang tricycle driver na itinuturong nang-scam sa isang Australian vlogger na siningil ng P550 sa biyahe na hindi pa uma­bot ng isang kilometro sa Ermita, Maynila kama­kailan.

Nasa kustodiya na ang suspek na itinago ang pagkakakilanlan na itinuturong bumiktima sa vlogger na si Dwaine Woolley nang maaresto nitong Miyerkules sa isang traffic violation sa Ermita, Maynila.

Walang lisensya at re­histro at nang isailalim sa berepikasyon ay nadiskubre na siyang pinaghaha­nap sa pambibiktima sa vlogger.

Sa vlog ni Woolley, pu­punta siya sa malapit na mall at habang nagla­lakad, huminto sa tabi niya ang tricycle at inalok na ihatid siya sa halagang P50.

Habang nasa daan, pinik-ap ng suspek ang isang babae at isa pang lalaki na kakilala nito nang inihinto ang tricycle at sinabing nasiraan sila kaya bumaba na lamang si Woolley at nagbayad ng P100.

Dito umano siya pinagmumura ng suspek at babaeng kasabwat at sinisi­ngil na siya ng P550 dahil ito umano ang rate ng mga private tricycle sa lugar.

vuukle comment

MANILA POLICE DISTRICT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with