^

Police Metro

Rider nanggulpi ng traffic enforcers, dinakip

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang rider na nambugbog ng mga mga traffic enforcers na humuhuli sa kaniya at nag-viral sa social media nitong Miyerkules ang inaresto ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD).

Kinilala ni QCPD Novaliches Police Station (PS 4) chief, PLt. Col. Jerry Castillo ang suspek na si James Vincent Ortega, 21, at residente ng Blk. 18, Lot 45, Upper Bethel Whispe­ring Palm Subd., Brgy. 167 Llano, Caloocan City.

Sa ulat, alas-9:40 ng umaga ng Nobyembre 29, nang  harangin ng mga traffic enforcers ng Novaliches District Center (NDC) na sina Jojo Amador at Aaron Canlas ang suspek at ang kanyang backride na babae sa harap ng Grace Montessori School na matatagpuan sa Gen. Luist St., Brgy. Nova Proper, dahil walang suot na helmet.

Sa halip na ibigay ang lisensiya ay nakipagtalo ito nang isyuhan siya ng mga traffic enforcer ng ordinance violation receipt, hanggang sa humantong sa pananakit.

Agad namang humingi ng tulong ang mga biktimang enforce sa PS 4 at sa loob lamang ng tatlong minuto ay agad dumating sa lugar na nagresulta sa pagkakahuli ng suspek.

Kakasuhan ang suspek ng direct assault, resistance, at disobedience upon an agent of person in authority sa Quezon City Prosecutor’s Office.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with