^

Police Metro

Kostumer, 2 beses ­binaril sa ulo ng rider

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang kostumer nang malapitang barilin sa ulo ng isang rider habang bumibili sa isang tindahan sa Brgy. Batasan Hills, Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Ang nasawi dahil sa dalawang tama ng bala sa ulo ay kinilalang si Walde Jorlano Florencio, nasa hustong gulang, tubong Infanta, Quezon at pansamantalang naninirahan sa isang barung-barong sa side walk ng Palengke sa Batasan, Commonwealth Avenue, Brgy. Batasan Hills.

Nakatakas naman ang hindi pa kilalang salarin lulan ng isang di naplakahang motorsiklo, bitbit ang baril na ginamit sa krimen.

Sa ulat, alas-6:00 ng gabi ay nasa loob ng Sandigan Batil Patong Store, na matatagpuan sa KM 18, Palengke ng Batasan, Commonwealth Avenue ang biktima nang ito ay lapitan ng suspek at dalawang beses na binaril sa ulo at tumakas sakay ng motorsiklo ang gunman na naka-helmet at face mask.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with