^

Police Metro

Shootout: Magtiyo utas

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay ang magtiyo matapos makipagbarilan sa rumes­pondeng mga pulis, kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Kinilala ni Malabon police chief Col. Joel Villanueva ang nasawing mga suspek na sina Nolito Cimanes, alyas Koping at kanyang pamangkin na si Manuel Cimanes, 34, ng Gulayan St. Brgy. Catmon.

Batay sa report, dakong alas-10:45 ng gabi nang res­pondehan ng mga tauhan ng Malabon Police Intelligence Unit sa pangunguna ni Lt. Joseph Alcazar ang  tawag mula sa isang concerned citizen hinggil sa umano’y nagpaputok ng baril sa Gulayan St., Brgy. Catmon.

Nadatnan ng mga pulis si Nolito na may hawak na baril at nang mapansin ng suspek ang mga parak ay kaagad niya itong pinaputukan. Naglabas  naman ng isang granada si Manuel.

Dito na gumanti ng putok ang mga pulis hanggang sa tamaan sa katawan ang mga suspek na naging dahilan ng kanilang kamatayan.

Narekober ng rumespondeng mga tauhan ng SOCO at EOD team sa pangunguna ni PSSg Rodel Victor sa crime scene ang isang M26 fragmention hand grenade, cal. 38 revolver na kargado ng apat na bala at dalawang basyo ng bala, itim na sling bag na naglalaman ng tatlong sealed plastic sachets ng hinihinalang shabu, P170 cash at anim na basyo ng bala ng cal. 9mm.

vuukle comment

SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with