^

Police Metro

Paggamit ng Ivermectin sa isa pang ospital aprub sa FDA

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Umaabot na sa tatlong hospital ang nabigyan ng Compassionate Special Permit (CSP) ng Food and Drug Administration (FDA) matapos na isa pa ang aprubahan ang aplikasyon para gamitin ang Ivermectin, isang anti-parasitic drug sa paggamot sa COVID-19.

Ito ang inihayag kahapon ni FDA Director General Eric Domingo sa pagharap nito sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability na pinamumunuan ni Diwa Partylist Rep. Michael Edgar Aglipay.

Gayunman hindi tinukoy ni Domingo ang pangalan ng isa pang hospital na nabigyan ng CSP sa paggamit ng Ivermectin sa COVID-19 habang isa pa ang nag-apply ng aplikasyon para dito na kasalukuyang nakabimbin sa ahensya.

Una nang inihayag ni Domingo na dalawang hospital ang nabigyan ng CSP sa paggamit ng Ivermectin.

Samantala, iginiit pa ni Domingo na ang Ivermectin products sa bansa ay inaprubahan para gamitin sa hayop tulad ng heartworm disease at paggamot sa infections dulot ng parasites sa mga kabayo, baka, baboy at iba pa.

Ayon kay Domingo , ang mga doktor ay maaa­ring mag-isyu ng Ivermectin products sa mga indibidwal kaugnay ng parasitic infestations tulad ng kuto at iba pang sakit sa balat.

vuukle comment

FDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with