^

Police Metro

AUV swak sa bangin: 3 lola dedo, 3 pa sugatan

Raymund Catindig - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay ang tatlong lola habang sugatan ang tatlo pang kasama na kumuha lang ng regular na ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) matapos mahulog ang sinasakyan nilang AUV sa may 50 metrong lalim na bangin sa Tuba, Benguet kamakalawa. 

Sa report kay Major Peter Camhol, hepe ng Tuba Police, kinilala ang mga nasawi na sina Aida Dontogan, 73-anyos; Mely Bacyasan, 70, at Rosa Ditchi, 75.

Ang mga sugatan ay sina Aloy Atiwan, drayber ng AUV, at dalawa pang sakay na senior citizen na sina Lucia Lestino, 72 at Joselito Solley, 70. Isa namang Larry Martin ang nakaligtas umano matapos makatalon palabas ng sasakyan.

Lumalabas na nabitin sa paahon at matarik na direksyon ang sasakyan ng mga biktima kaya’t huminto ito at tuluyang umatras.

Dahil sa madulas na daan bunsod ng putik ay hindi na nakontrol ng driver ang manibela hanggang sa magtuloy-tuloy silang mahulog sa matarik na bangin.

vuukle comment

AKSIDENTE

DSWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with