^

Police Metro

Pondo para sa ICT infrastructure, hiling ng NTC

Danilo Garcia - Pang-masa
Pondo para sa ICT infrastructure, hiling ng NTC
Sinabi ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba na dapat sundan ng Pilipinas ang maraming bansa sa Asya na gumagastos ng bilyun-bilyong dolyar para sa kanilang ICT infrastructure.

MANILA, Philippines — Upang mas lalong mapabilis ang pagpapataas sa serbisyo ng mga telcos ay hiniling ng National Telecommunications Commission (NTC) sa pamahalaan na maglaan rin ng pondo para sa pagpapatayo ng mga imprastraktura para sa ‘information and communications technology’.

Sinabi ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba na dapat sundan ng Pilipinas ang maraming bansa sa Asya na gumagastos ng bilyun-bilyong dolyar para sa kanilang ICT infrastructure.

Sa naturang mga bansa, ang mga telcos pa umano ang rumerenta sa gobyerno ng mga signal towers at iba pang pasilidad hindi gaya sa Pilipinas na lahat ng telco infrastructure ay pribadong pag-aari.

Dahil sa paglalaan ng pondo sa ICT infrastructure ng mga kapitbahay na bansa sa Asya ay na­ging mataas ang internet speed para sa kanilang mga mamamayan na nagdudulot din ng pag-unlad dahil sa maayos na pagnenegosyo.

Inihalimbawa ni Cordoba ang South Korea na gumastos ng $24 billion, Vietnam - $820 million, Thailand - $343 million at China - $289 billion, na lahat ay government-funded.

Tiniyak naman ni Cordoba sa publiko na magpapatuloy pa rin ang pagtaas sa serbisyo ng mga telcos sa bansa ngayong unang quarter ng 2021 dahil sa mas maraming ICT infrastructure na ang naipatayo bunsod ng mas maluwag na pagbibigay ng permits ng mga lokal na pamahalaan.

vuukle comment

NTC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with