^

Police Metro

Mga buntis ‘di kasali sa vaccination program

Danilo Garcia - Pang-masa
Mga buntis �di kasali sa vaccination program
Sinabi ni Department of Health Undersecretary at spokesperson Maria Rosario Vergeire na ipinayo ng WHO na huwag munang isama ang mga buntis sa paggamit ng bakuna ng Pfizer-BioNTech.
The STAR/Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Hindi maisasama sa ‘vaccination program’ ng pamahalaan ang mga buntis makaraan na hindi ito irekomenda ng World Health Organization (WHO).

Sinabi ni Department of Health Undersecretary at spokesperson Maria Rosario Vergeire na ipinayo ng WHO na huwag munang isama ang mga buntis sa paggamit ng bakuna ng Pfizer-BioNTech.

Pero, sinabi ni Vergeire na kokonsulta pa rin sila sa mga eksperto sa larangan ng obstetrics at gynecology upang makakuha ng payo kung magiging masama ang COVID-19 vaccine sa ina at sa kaniyang dina­dalang sanggol.

“Kami po ay nakiki­pag-usap ngayon sa society ng obstetrics and gynecology para mahingi po natin ang posisyon nila at malaman kung anong klaseng bakuna ang maaaring maibigay sa mga buntis,” ayon kay Vergeire.

Base pa sa abiso ng WHO, kung ang isang buntis ay may ‘high exposure’ sa mga COVID-19 positive na pasyente, maaaring ikonsidera na mabigyan siya ng bakuna.

May pag-aaral rin naman ang WHO na ang mga buntis ay mas malaki ang tsansa na makakuha ng malalang uri ng COVID-19 kaysa sa mga hindi buntis.

Bukod dito, may mga pananaliksik din na kung makakuha ng COVID-19 ang isang buntis ay tataas ang panganib ng kaniyang pagdadala sa sanggol at panganganak.

vuukle comment

WHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with