^

Police Metro

50.3 milyong Pinoy walang sariling banyo

Danilo Garcia - Pang-masa
50.3 milyong Pinoy walang sariling banyo
Ayon sa Department of Health, nasa 50.3 mil­yong Pinoy o 10 milyong pamilya ang kasaluku­yang walang maayos na palikuran habang nasa 24 milyon ang gumagamit ng hindi maayos na banyo o habang ang iba ay wala talagang sariling banyo.
Facebook/Maricel Herrera

Pinas bagsak sa sanitasyon — WHO…

MANILA, Philippines — Nagbabala ang mga health expert na posibleng magkaroon ng panibagong epidemya sa Pilipinas.

Ayon sa Department of Health, nasa 50.3 mil­yong Pinoy o 10 milyong pamilya ang kasaluku­yang walang maayos na palikuran habang nasa 24 milyon ang gumagamit ng hindi maayos na banyo o habang ang iba ay wala talagang sariling banyo.

“Let us not wait for another outbreak or pandemic before we prioritize sanitation. The recent typhoons in the Philippines have shown how vulne­rable our toilets and the sanitation systems they are connected to are,” wika ni UNICEF representative Oyunsaikhan Dendevnorov.

Sinabi naman ni Health Secretary Francisco Duque na ang problema sa  sanitasyon ay agad na masusolusyunan sa pamamagitan ng pag-invest sa pinakabagong teknolohiya.

Dahil sa kawalan ng sapat na mga malilinis na mga palikuran na magagamit ng publiko ay bagsak ang antas ng sanitasyon ng maraming bansa sa mundo kabilang na ang Pilipinas.

Para makamit ang ‘universal access’ sa sa­nitasyon, kinakailangan umano ang P30 bilyong taunang investment na katumbas ng 13% ng ‘internal revenue allotment (IRA)’ ng mga lokal na pamahalaan na nagkakahalaga ng P225.3 bilyon sa 2022.

vuukle comment

WHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with