Higit100 Pinoy seaman stranded sa China
Sinabi ni Sta. Romana na inaayos na rin ang pag­likas ng mga nasabing Filipino seamen na naapektuhan ng pandemiya.
Released/Department of Foreign Affairs
Higit100 Pinoy seaman stranded sa China
Malou Escudero (Pang-masa) - October 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Iniulat kahapon ni Ambassador Jose Santiago Sta. Romana na nasa mahigit 100 pang Filipino seafarers ang stranded sa mga barko sa karagatan ng China, ayon kay.

Sinabi ni Sta. Romana na inaayos na rin ang pag­likas ng mga nasabing Filipino seamen na naapektuhan ng pandemiya.

“Actually, it used to be in the hundred ‘no, but most of them have gone home. Ang natitira na lang ngayon, I think, is less than a hundred or a little more. Pero ano na, one flight will suffice for now -one repatriation flight, and we hope this will be it,” ani Sta. Romana.

Karamihan aniya sa mga stranded na tripulanteng Pinoy ay nais nang bumalik sa Pilipinas dahil nagkaroon ng problema ang kanilang kompanya.

“Ngayon karamihan ng humihingi ng repatriation flight ay itong mga Filipino seamen na stranded dito. Ibig sabihin they’re working on Chinese ships or fo­reign ships pero nagkaroon ng economic problems or financial problems iyong kumpanya kaya nandoon lang sila sa laot,” ani Sta. Romana.

FILIPINO SEAFERERS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with