^

Police Metro

Palugit sa pagbabayad ng utility bills, pinalawig sa ‘Bayanihan 2’

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipatutupad sa ilalim ng “Bayanihan to Recover as One Act” o “Bayanihan 2” na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabigyan ng 30-araw na palugit ang mga konsyumer para sa pagbabayad ng kanilang mga utility bills.

Ayon kay Senador Win Gatchalian, magkakaroon ng “moratorium” sa pagbabayad ng kuryente at tubig ang mga nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) at modified enhanced community quarantine (MECQ).

Sa ngayon, ang Iligan City, Bacolod City, at Lanao del Sur ang mga probinsyang naka-MECQ hanggang sa katapusan ng Setyembre.  

Ayon kay Gatchalian, hindi na rin muna pababayaran ang interes sa bill, penalties, at iba pang dagdag singilin o charges sa loob ng 30 araw habang naka-ECQ o MECQ ang isang lugar.

Aniya, pagkatapos ng 30-day grace period ay pinapahintulutan din sa Bayanihan 2 ang residential users, micro small and medium enterprises o MSMEs, at mga koo­peratiba na magbayad ng pautay-utay sa loob ng tatlong buwan.

vuukle comment

MECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with