^

Police Metro

Pagpili kung sino ang bubuhayin sa COVID-19 patients ‘di mangyayari

Danilo Garcia - Pang-masa
Pagpili kung sino ang bubuhayin sa COVID-19 patients �di mangyayari
“I don’t think so. That would never happen. Lahat ng pasyente na dadating sa ospital kahit gaano man kapuno iyan gagawan ng paraan ng gobyerno para sila ay ma-manage natin,” ayon kay Undersecretary Maria Rosario Vergeire
AFP/STR

Hindi na aabot ang Pinas sa puntong ’yan-DOH…

MANILA, Philippines — Nilinaw ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hindi naman aabot ang bansa sa puntong pipiliin na ng medical frontliners kung sino ang bubuhayin sa mga pasyenteng positibo sa coronavirus disease o COVID-19.

“I don’t think so. That would never happen. Lahat ng pasyente na dadating sa ospital kahit gaano man kapuno iyan gagawan ng paraan ng gobyerno para sila ay ma-manage natin,” ayon kay Vergeire

“Kung tayo man ay mapupuno dito sa Metro Manila, nakahanda na ang mga karatig na regions natin to accommodate our patients,” dagdag pa nito.

Sinabi ni Vergeire na gagawa at gagawa naman aniya ang pamahalaan ng paraan para mabigyan ng tamang atensyong pangkalusugan ang mga posi­tibo sa nasabing sakit.

Matatandaang aabot sa 119,460 kaso ng CO­VID-19 ang naitala kahapon, Agosto 6 kung saan 50,473 dito ang active cases.

Nabatid na mahigit kalahati sa mga kaso ay mula sa Metro Manila kung saan kasalukuyang umiiral ang modified enhanced community qua­rantine (MECQ) hanggang Agosto 18.

vuukle comment

COVID-19

DOH

MARIA ROSARIO VERGEIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with