^

Police Metro

Rider utas sa road rage

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang rider nang barilin ng nakaaway na rider nang magtalo sa kalsada kahapon ng madaling araw sa Brgy. Calibuyo, Tanza, Cavite.

Ang nasawi ay naki­lalang si Joybert Garde, 46, may-asawa, ng Sitio Matabok, Brgy. Calibuyo Tanza, Cavite.

Kusang loob namang sumuko ang mga suspek na sina Samuel Florencio Jr., 26 at angkas na si Sergio Enriquez, 47, kapwa residente ng Brgy. Sahud Ulan, Tanza,Cavite.

Sa imbestigasyon, bago ang krimen, alas-4:00 ng madaling araw ay sakay ang biktima ng  Rusi motorcycle at patungo ng A. Soriano Highway nang makasagian nito ang magkaangkas na suspek.

Nagalit umano ang biktima at kinompronta ang dalawang suspek at ang pag-uusap ay nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang bumunot umano ng baril ang una at tinutukan ang mga huli. Subalit, nagawang maagaw ng mga suspek ang baril sa biktima at dito ay pinutukan nila nang sunud-sunod sa katawan na naging sanhi ng kamatayan nito.

vuukle comment

ROAD RAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with