^

Police Metro

3 babae kritikal sa pamamalo ng kaanak na may sakit sa isip

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa malubhang kalagayan ang tatlong babae kabilang ang dalawang menor-de-edad na magkakamag-anak nang sila ay paghahampasin ng matigas na bagay habang natutulog ng kanilang kaanak na lalaki na umano’y may sakit sa pag-iisip kahapon ng madaling araw sa Tondo, Maynila.

Ang mga biktima na nakaratay ngayon sa Jose Reyes Memorial Medical Center ay kinilalang sina Rachel Guevara, 35; at mga batang sina Andrea, 8; at Kristel, 12, pawang nakatira sa No. 209 Pastor Street, Brgy. 145 Tondo habang nadakip ng pulisya ang suspek na si Paolo Guevarra, 41.

Sa ulat ng Raxabago Police Station 1, ala-1:55 ng madaling araw ay nasa kahim­bingan ng tulog ang mga biktima nang bigla silang pagpapaluin ng suspek na si Paolo gamit ang isang malaki at matigas na bagay.

Nagawa namang makahingi ng saklolo si Loretta Guevarra, 47, kapatid ng suspek dahilan para agad na makaresponde ang mga nagpapatrolyang barangay tanod at mapigilan ang suspek.

Mabilis na isinugod sa Tondo Medical Center ang mga biktima saka inilipat sa JRMMC makaraang malapatan ng paunang-lunas.

Naglabas naman ng waiver at letter of consent ang pamilya Guevarra para dalhin sa National Center for Mental Health (NCMH) ang suspek para malunasan ang kanyang kondisyon.

Nabatid na lumala ang kondisyon ng suspek nang hindi makalabas ng bahay para sa kanyang medikasyon sa ospital at tuluyang masiraan ng bait.

vuukle comment

BABAE

BALIW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with