Quezon City tinanghal bilang top DRR department sa buong bansa
MANILA, Philippines — Umani ng papuri si Quezon City Mayor Joy Belmonte nang tanghaling nangunguna ang lungsod sa buong bansa bilang modelo sa Disaster Risk Reduction nang maipatayo ang modern regional evacuation center sa Barangay Fairview District 5, QC.
Ayon kay QC district 5 Rep Alfred Vargas, dahil sa completion ng naturang evacuation center, higit na mapapangalagaan ang kapakanan ng mamamayan ng lungsod lalo na kung may kalamidad.
“We are proud to say that we have set the bar high with this facility for other local government units to emulate, this is what having a strong political will can do and it reflects in the leadership of Mayor Joy,” pahayag ni Vargas.
Ang center ay may apat na palapag, una na naitayo sa bansa na magpapalakas pa sa pagkakaloob ng seguridad at ayuda sa mamamayan bilang DRR top local government sa bansa.
Ang center ay kumpleto sa kailangang amenities para magamit ng mga displaced residents at kumportableng pansamantalang kanlungan ng hanggang 156 pamilya.
- Latest