Bello nag-sorry... Pinay sa Dubai, namatay sa pulmonya ‘di sa virus
MANILA, Philippines — Lubos ang paghingi ng pasensya ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa pamahalaan ng Dubai nang sabihin nitong isang Pinay ang nasawi roon dahil sa coronavirus, subalit ito pala ay namatay sa pneumonia.
Kinilala ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ang Pinay na unang naiulat na nasawi sa coronavirus ay si Amalia Collado Daproza.
Ayon kay Bello lumilitaw na negatibo ang specimen sa coronavirus ang pagsusuri na ginawa ng Dubai Health Authority.
Magugunita na kamakalawa ay inanunsyo ni Bello na nasawi umano ang isang OFW dahil sa “coronavirus” ngunit hindi naman nito sinabi kung ito ay novel coronavirus o MersCoV.
- Latest