^

Police Metro

Bulacan drug bust: 2 tulak todas

Omar Padilla - Pang-masa

MANILA, Philippines — Napatay ang dala­wang pinaghihinalaang drug pusher nang ito umano ay nanlaban sa isinagawang buy-bust operation kahapon ng madaling araw sa Brgy. Assumption, San Jose del Monte City, Bulacan.

Isa sa napatay na suspek ay kinilalang si Roy Acebron, nasa hustong gulang habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng kasama nito.

Sa imbestigasyon, bago naganap ang shootout, ala-1:20 ng madaling araw ay nakipagnegosasyon ang isang pulis na nagpanggap na poseur buyer.

Subalit nakahalata umano ang dalawang suspek na pulis ang kanilang katransaksyon sa bentahan ng shabu kaya’t bumunot ito ng baril at pinutukan ang poseur buyer na pulis na masuwerteng hindi tinamaan.

Gumanti ng putok ang mga nakatagong pulis na ikinamatay ng dalawang suspek na nasamsaman ng 31 heat sealed transparent plastic sachet ng shabu, isang cal .38 revolver at isang motorsiklo.

vuukle comment

DRUG BUST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with