^

Police Metro

Hotel sa Bacolod nasunog: 6 patay

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay ang anim na katao kabilang ang isang paslit habang apat naman ang sugatan matapos lamunin ng nangangalit na apoy ang isang pension house sa Bacolod City, Negros Occidental nitong Martes ng madaling araw.

Sa report ng Bacolod City Fire Marshal, dakong alas-4:40 ng madaling araw nang mangyari ang sunog sa Java Pension House na matatagpuan sa Gonzaga St., Brgy. 12, ng lungsod.

Ayon sa imbestigas­yon, nagsimula ang apoy sa isang motorsiklo na na­susunog sa hallway sa unang palapag ng pension house na mabilis na kuma­lat sa mga kuwarto rito.

Natagpuang patay sa loob ng naturang pension house ang anim na katao kabilang ang isang batang menor-de-edad, dalawang babae at tatlong lalaki na pawang na-suffocate nang ma-trap sa loob na nasusunog na gusali.

Nasagip naman ang 15 katao kabilang dito ang apat na sugatan na idinaan sa mga bintana ng mga nagrespondeng tauhan ng Bureau of Fire Protection at iba pang mga volunteer groups.

Dakong alas-6:00 ng umaga nang ideklarang fire out ang sunog sa 5 storey na pension house.

vuukle comment

SUNOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with