Pulis-NCRPO bawal mag-vape
MANILA, Philippines — Nagpalabas ng kautusan si National Capital Regional Police Office (NCRPO) acting Director, P/BGen Debold Sinas sa mga pulis-Metro Manila na pagbabawal sa paggamit ng vape sa mga pampublikong lugar upang magsilbing ehemplo sa taumbayan.
Hindi lang mga pulis na nasa labas ang sakop ng kautusan kundi maging ang nasa loob ng NCRPO Headquarters sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City; mga District Offices, Police Station at mga Community Precincts.
Nasa 10 violators ang inisyal na nahuli sa Metro Manila partikular sa Sta. Cruz at Malate, Maynila at Makati City.
Tiniyak din ng heneral na lahat ng vape na makukumpiska ay maayos na maire-record at idi-dispose sa tamang paraan.
- Latest